Buod Ng El Filibusterismo Kabanata 13 ?

Buod ng El filibusterismo kabanata 13 ?

El Filibusterismo

Kabanata 13: Ang Klase sa Pisika

Buod:

Ang kabanatang ito ay nagsimula sa paglalarawan ng silid aralan ng klase sa pisika. Ipinakita rito ang pagpapahalaga ng mga guro sa mga kagamitan na nasa loob ng isang aparador na may salamin at nakasusi. Ang mga gamit na nasa loob ng aparador ay nagsisilbing tila palamuti lamang sapagkat ni hindi ito nagagamit o nahahawakan man lamang ng mga mag aaral. Hindi lamang ang mga gamit na ito ang halos walang gamit kundi pati ang mga guro na nagtuturo sa paaralang ito. Tulad na lamang ni Padre Millon na isang batang Dominiko na nagtapos ng pilosopiya sa kolehiyo ng San Juan de Letran ngunit itinalaga bilang guro ng pisika.

Ang uri ng pagtuturo ni Padre Millon ay nakabatay sa kung ano ang ipinapakita ng mga mag aaral. Ang una niyang sinubok ay ang antuking mag aaral. Ngunit dahil hindi ito nakikinig ay hindi ito nakasagot. Ininsulto ito ng guro at matapos ay tinawag si Pelaez matapos na marinig na ito ay tumugon ng pabulong sa kanyang huling tanong. Sapagkat madalang pumasok sa paaralan ay halos maisagot si Pelaez at tinatapakan ang paa ng kamag aral na si Penitente upang humingi ng sagot. Napalakas ang boses ni Placido sa pag dikta ng sagot kaya naman siya ang binalingan ng guro. Maging si Placido ay nalito sa kanyang tugon kaya naman inulan ito ng guro ng mura. Nasakatan si Placido sa lahat ng masasakit na narinig mula sa guro kayat ito ay umalis ng walang paalam. Nagulat ang lahat sa kanyang ginawa at natapos ang klase ng ang lahat ay puno ng pagtataka. Natapos ang klase sa pamamagitan ng isang sermon mula sa guro at umuwi ang lahat ng mag aaral ng walang anumang natutunan.

Read more on

brainly.ph/question/2135077

brainly.ph/question/2107208

brainly.ph/question/2155022


Comments

Popular posts from this blog

Paano Naka Apekto Ang Rebolusyong Industriyal Sa Kasalukuyanng Panahon?Ano Nakaapekto Ang Rebolusyong Industriyal Sa Kasalukuyang Panahom ?

Events Of The Story A Shawl For Anita 5 Events